Labanan sa Yultong

Ang Labanan sa Yultong (Koreano : 율동 전투, Ingles : Battle of Yultong), [1] na kilala rin bilang Labanan ng Meiluodong (Tsino: 美罗洞战斗; pinyin: Měiluódòng Zhàndòu), Labanan ng Yuldong, o Labanan ng Yuldong-ri, ay isang labanan sa Digmaang Koreano. Nagsiklab ang labanan sa pagitan ng ilang elemento ng ika-34 na Boluntaryong Hukbo ng mga Tsino (ika-44 na Dibisyon mula sa mga sangguniang Tsino)[2] at ng Pilipino ika-10 Batalyong Koponang Panlaban (Battalion Combat Team o BCT), sa hilaga ng Yeoncheon noong Abril 22 – 23, 1951.[1] Bahagi ang labanan ng Opensibang Tsino sa Tagsibol.

  1. 1.0 1.1 Chae, Chung & Yang 2001.
  2. Chinese Military Science Academy 2000.

© MMXXIII Rich X Search. We shall prevail. All rights reserved. Rich X Search